Welcome sa Hively!
Ang Hively ay isang 501c3 na nonprofit na organisasyon. Mula pa noong 1976, ang Hively ay naglilingkod sa libo-libong pamilya sa County ng Alameda sa tulong sa pagpapaalaga ng anak, mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip, at mga karagdagang mapagkukunan ng tulong o impormasyon upang suportahan ang mga pamilya.
Ang Hively ay bumubuo ng mga makatuwirang koneksyon sa mga pamilya at komunidad, na tinitiyak ang pag-access sa mga mapagkukunan ng tulong o impormasyon na kailangan ng bawat bata sa County ng Alameda para umunlad.
Ipinagdiriwang namin ang iba’t ibang kultura at wika sa buong County ng Alameda at sa mas malawak na San Francisco Bay Area. Mahigit 55% ng mga tauhan ng Hively ay nagsasalita ng pangalawang wika, kabilang ang: Arabic, Cantonese, Farsi, Hindi, Korean, Mandarin, Punjabi, Spanish, Tagalog, Vietnamese, at marami pa.
Ikaw ay bumibisita sa landing page sa maraming wika sa pinaka-nauukol na impormasyon para sa mga pamilya.
Kung gusto mong bisitahin ang iba pang mga pahina sa aming website, hinihikayat ka naming gamitin ang online na tool sa pagsasalin na pipiliin mo.
Ang Aming Pangako
Sa Hively, nakatuon kami sa pagsuporta sa mga pamilya at pagtulong sa kanila upang umunlad.
Nagkakaloob kami ng mga serbisyong nakaakma sa mga pangangailangan ng ating mga komunidad, kabilang ang:
- Mataas na kalidad na mga opsyon sa pagpapaalaga ng anak sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na tagapagkaloob ng pangangalaga
- Mahahalagang mapagkukunan ng tulong o impormasyon at mga oportunidad sa pag-aaral para sa mga pamilya
- Suporta sa kalusugan ng pag-iisip upang itaguyod ang matatag at malakas na mga pamilya at komunidad
Layunin naming tiyakin na ang bawat bata at magulang ay may access sa may pangakong kinabukasan.
Ang aming mga Programa at Serbisyo
Nagsusumikap kaming magbigay ng mga makabago at mataas na kalidad na serbisyo sa ating komunidad. Tinitiyak namin na ang lahat ng programa ay nag-aambag sa kagalingan ng bata at pamilya. Mahalaga ang aming gawain dahil direkta nitong naaapektuhan ang buhay ng mga pamilya.
Narito ang ilan sa aming mga inaalok:
Ipinagdiriwang ng Hively at tinatanggap ang dibersidad sa County ng Alameda.
Nasisiyahan kami at naririto ka, at umaasa kaming makikipag-ugnayan ka sa amin kung masusuportahan ng aming mga serbisyo ang iyong pamilya.
Mga lokasyon ng Hively sa County ng Alameda:
Mga Tanggapan ng Hively
Mga Serbisyo sa Kalusugan ng Pag-iisip ng Hively
Pleasanton
7901 Stoneridge Drive, Suite 150
Pleasanton, CA 94588
925-417-8733
Oakland
111 Myrtle Street, Suite 102
Oakland, CA 94607
510-568-0306
San Leandro
39155 Liberty Street, Suite D400
Fremont, CA 94538
510-483-6715
Mga Sentro ng Mapagkukunan ng Tulong o Impormasyon ng Pamilya sa Hively
Tri-Valley Family Resource Center
7901 Stoneridge Drive, Suite 150
Pleasanton, CA 94588
Hours: Monday–Friday, 9 am – 5 pm
Oakland Family Resource Center
111 Myrtle Street, Suite 102
Oakland, CA 94607
Hours: Monday–Friday, 9 am – 5 pm
Mini Family Resource Center
39155 Liberty Street, Suite D400
Fremont, CA 94538
Hours: Monday–Friday, 10 am – 4 pm
Copyright © 2025 Hively. All Rights Reserved | Privacy Policy